Isinusulong ng PACC na imbestigasyon kay VP Robredo, ikinagalit ng opposition senators

Ikinagalit nina opposition Senators Franklin Drilon, Risa Hontiveros, at Francis “Kiko” Pangilinan ang paghikayat ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC sa National Bureau of Investigation o NBI na imbestigahan si Vice President Leni Robredo.

Giit ng mga senador na kabilang sa minorya, hindi krimen ang ginagawang pagtulong ni VP Leni, mga pamilya na labis na nahihirapan dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

Hindi, anila, krimen ang paghahanap ni Robredo ng resources para matulungan ang mga health workers na maging protektado laban sa coronavirus, gayundin ang ginagawa nitong pag-aalok ng libreng shuttle.


Paliwanag ng Minority Senators, sa panahon ng krisis, dapat ang lahat ay agad gumawa ng paraan para tumulong lalo’t umuulan ang mga request para sa PPEs at iba’t- ibang pangangailan ng health workers at mamamayan.

Diin pa nina Drilon, Hontiveros at Pangilinan, hindi dapat politikahin, haluan ng inggit at gawing kompetisyon ang pagtulong sa kapwa.

Dagdag pa ni Pangilinan, dapat umayos ang PACC dahil hindi nakakatulong sa kasalukuyang sitwasyon ang ginagawa nito.

Facebook Comments