Isinusulong ng Senado na imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, welcome sa PNP

Suportado ni Philippine National Police Chief (PNP) General Benjamin Acorda Jr. ang tinutulak na hiwalay na imbestigasyon ng Senado sa pagpatay ng ilang tauhan ng Navotas City Police kay Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity.

Ayon kay Acorda, magandang pagkakataon ito para mabigyang linaw ang isyu lalo pa’t “in aid of legislation” ang pakay dito ng mga mambabatas.

Nabatid na parehong nagsumite sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Senator Risa Hontiveros ng magkahiwalay na resolusyon para imbestigahan ang pagpatay kay Baltazar.


Lumalabas kasi na gumamit umano ang mga pulis na sangkot sa operasyon sa Navotas ng sobra-sobrang pwersa na hindi naman makatwiran sa pagpatay ng menor de edad na walang kalaban laban.

Facebook Comments