
Gusto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) ang Independent People’s Commission (IPC) na isinusulong sa Senado, na siyang magpapatuloy sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga maanomalyang government projects.
Ito ang tiniyak ni Senate President Tito Sotto III matapos ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Meeting kasama ang Pangulo at ilang counterpart na mambabatas mula sa Kamara.
Ayon kay Sotto, may mga suhestyon at rekomendasyon si Pangulong Marcos sa IPC bill na kanilang iincorporate sa panukala.
Posible umanong talakayin at isa-isahin ang mga mungkahi ng Pangulo sa period of interpellation.
Iginiit pa ni Sotto na bibilisan o ifa-fast-track ng Senado ang pagpapasa ng IPC bill upang maisingit ang pagtalakay nito sa plenaryo bago ang Christmas break, at target na aprubahan sa Enero sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso.









