Isinusulong ng siyam na mambabatas sa Kamara ang pagbuo sa isang expanded Negros Island Region (NIR)

Sa ilalim ng House Bill 1446, layong bumuo ng itinuturing na Region 6-B na bumubuo ng probinsya ng Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor.

Ayon sa mga mambabatas, layo nitong ilagay sa iisang administrative region ang dalawang Negros province na sa kasalukuyan ay kabilang sa magkakaibang rehiyon.

Kabilang sa naghain ng panukala ay sina:


• Rep. Francisco Benitez (Neg. Occ., 3rd District)
• Joseph Stephen Paduano (Abang Lingkod)
• Gerardo Valmayor Jr. (Neg. Occ., 1st District)
• Emilio Bernardino Yulo (Neg. Occ., 5th District)
• Mercedes Alvarez (Neg. Occ., 6th District)
• Greg Gasataya (Bacolod)
• Jocelyn Sy-Limkaichong (Neg. Or., 1st District)
• Manuel Sagarbarria (Neg. Or., 2nd District)
• Arnolfo Teves Jr. (Neg. Or., 3rd District)

Samantala, naghain din ng kaparehong panukala si Senator Juan Miguel Zubiri ngunit sakop lamang nito ang dalawang Negros province.

Facebook Comments