Isinusulong ni Senator Pacquiao na paglikha ng Philippine Boxing Commission, mariing kinontra ni Senator Drilon

Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukala ni Senator Manny Pacquiao na paglikha ng Philippine Boxing Commission.

 

Iginiit ni Drilon na hndi na kailangan ang nasabing kumisyon ang sports na boxing ay saklaw na ng Games and Amusement Board o GAB.

 

Ikinatwrian pa ni Drilon, na pwede namang padagdagan ang pondo at mga tauhan ng GAB para matutukan ang mga boksingero.

 

Pero depensa ni Pacquiao, kailangan ang bagong komisyon dahil hindi niya maaatim na makita ang kapabayaan ng GAB sa mga boksingero lalo na dalawa raw sa kaniyang kaibigan ang namatay sa boxing ring.

 

Pinuna din ni Pacquiao na sa 154 na empleyado ng GAB ay 20 lang dito ang nakatutok sa sports kaya kawawa ang mga professional boxers.

 

Binigyang diin ni Pacquiao, na ipaglalaban niya ang pagbuo ng Philippine Boxing Commission dahil bilang isang boksingero at atleta ay batid niya ang kahirapan ng training at paghahanda sa laban na nararanasan ng mga katulad niya.

 

Samantala, sa ibang balita sa senado, nakasalang naman ngayon sa commission on appointments o CA confirmation hearing si Department of Education Secretary Leonor Briones.

Facebook Comments