ISINUSULONG | Paggamit ng motorcycle taxis, itinutulak ng isang kongresista

Manila, Philippines – Isinusulong ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na gumamit ng motorcycle taxis bilang alternatibong solusyon sa problema sa trapiko sa bansa.

Ito ay sa gitna na rin ng pagkakasuspinde ng driver-only policy sa EDSA.

Ayon kay Castelo, bagaman at naging kontrobersyal ang motorcycle taxis sa Pilipinas pero naging epektibo naman ito sa mga bansang Indonesia, Thailand at Vietnam.


Aniya, malaki ang maitutulong ng motorcycle taxis sa matinding traffic sa bansa dahil maliit ito, hindi makakasikip sa trapiko at mabilis na maihahatid ang pasahero.

Pangalawa aniya ay mabibigyan pa ng hanapbuhay ang nasa 4 na milyon na motorcycle owners na pwedeng i-utilize para sa mga na-i-stranded na pasahero.

Maliban dito, iginigiit din ni Castelo ang agad na pagpapatupad ng lifting ng color coding ng mga bus at pagpapatupad ng Bus Rapit Transit system.

Aniya, may budget na para dito at mas mabilis na magagawa hindi tulad sa mass transport system na tapos na ang administrasyon ay hindi pa natatapos ang rail system.

Facebook Comments