ISINUSULONG | Pagtatatag ng FET sa ilalim ng Federal Gov’t, iminungkahi ng Consultative Commission

Manila, Philippines – Isinusulong ng binuong Consultative Commission ang pagtatatag ng federal electoral tribunal sa ilalim ng Federal System

Sa pagbuo ng Federal Electoral Tribunal iaabolish na ang kasalukuyang Presidential Electoral Tribunal, Senate Electoral Tribunal at House Electoral Tribunal kung saan ito na ang hahawak sa lahat ng election contests gayundin ang returns & qualifications ng Presidente, Bise Presidente, mga Congressmen at Senador, Regional Governors at Regional Deputy Governors

Magkakaroon din ang Federal Electoral Tribunal ng fiscal independence at ang pondo nito ay kasama sa budget ng hudikatura


Bubuuin ang FET ng 1 presiding justice at 14 na associate justices

5 dito kasama ang presiding justice ay itatalaga ng Pangulo habang ang 5 naman ay i-aappoint ng federal constitutional court en banc at ang nalalabing 5 miyembro ay itatalaga ng Commission on Appointments

Sa paliwanag ni Ret Justice Antonio Nachura, pinuno ng Subcomittee on the structure of the federal Govt; sa kasalukuyang komposisyon ng HRET at SET maliban sa 3 myembro ng Korte Suprema majority ng myembro nito ay itinalaga ng mga kapwa mambabatas kung kaya’t hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng biased o pagpabor sa partidong kanilang kinaaaniban

Sinabi pa ni Justice Nachura na layon ng FET na mabawasan ang election protests na hawak o dedesisyunan ng SET at HRET nang sa gayon ay makapag focus na lamang sila sa kanilang legislative duties

Facebook Comments