Manila, Philippines – Isinusulong ni House Speaker Gloria Arroyo ang paglilipat ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Clark International Airport sa Pampanga.
Pero paglilinaw dito ni SGMA, ang kanyang pagtutulak na gamitin at ilipat ang airport sa Clark ay hindi dahil sa nangyaring pagsadsad ng Xiamen Airlines sa runway ng NAIA noong nakaraang linggo.
Mababatid na matagal nang isinusulong ni Arroyo na gawing sentro ng governance at komersyo ang Clark.
Ngayong hapon nga ay ipapakita ni Arroyo sa media ang kasalukuyang ginagawang Clark Airport.
Aniya, ang construction ng mga bagong terminal sa Clark ay nakatakda ang inauguration sa 2020 habang ang bagong runway naman ay binuksan na para sa bidding ng pagtatayo nito.
Facebook Comments