ISIS, inako ang nangyaring pag-atake sa Manchester

Manila, Philippines – Inako ng terrorist group na ISIS ang naganap na pagsabog sa Manchester arena sa England kung saan isinagawa ang concert ng singer na si Ariana Grande.

Ginawa ito ng isis sa pamamagitan ng kanilang IS channels sa messaging application na telegram.

Magugunitang aabot sa 22 katao ang namatay habang nasa 59 ang nasugatan sa naganap na “suicide bombing”.


Samantala, mariing kinondena ng mga world leaders ang nanyaring terror attack sa Manchester.

Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na handa ang Russia na makipagtulungan sa britanya kaugnay sa aniya’y hindi makataong krimen na sinapit ng mga concert-goers.

Ayon naman kay Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, napakasama ng naturang insidente gayong halos puro teenager ang target.

Sa mensahe namang ipinadala ni Chinese President Xi Jinping, sinabi nito kay Queen Elizabeth II na nakikisimpatya siya sa lahat ng mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Habang tinawag namang barbaric at paraan ng mga duwag ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang pag-atake.
DZXL558

Facebook Comments