ISIS-inspired group sa Maguindanao, kumokonti na lang

Maguindanao – Kumokonti na rin sa ngayon ang mga tauhan ni Ustadz Abdulmalik Esmael ang lider ng ISIS-inspired group na Jamatul Muhajireen Al Wansar.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy ang ginagawang massive law enforcement operation sa bayan ng Datu Salibo sa Maguindanao na pinangungunahan ng Task Force Ittihad ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi ni 6th ID spokesperson Army Captain Arvin Encinas, hindi na abot sa isang daan ang mga tauhan ni Abu Turaife na ngayon ay nagtatago sa Marshy area ng Barangay Tee at Andavit sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao.


Hindi umano titigil ang paghahabol sa kanila hanggat hindi tuluyang nasusugpo ang grupo ni Abu Turayfe.

Facebook Comments