Manila, Philippines – Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroon paring kakayanang umatake ang mga international terrorist kahit pa sinasabi ng Estados Unidos ng Amerika na natalo na nila ang ISIS sa Raqqa sa Syria at ang pagkamatay ng Emir ng ISIS na si Isnilon Hapilon sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, nananatili pa rin ang banta mula sa mga ito pero hindi na kasing laki ng katulad ng dati kung saan umaatake ang ISIS sa Middle East at tulad ng nangyari dito sa Marawi.
Ang delikado aniya ngayon ay ang kanilang network na natitira na posibleng umatake hindi lang dito sa Pilipinas kundi saanmang bahagi ng mundo.
Inihalimbawa ni Padilla ang mga lone wolf attack na nangyayari sa ilang lugar tulad ng sa Europe.
Ito aniya ang dahilan kung bakit kailangang magtulugan ang lahat ng bansa at magpalitan ng impormasyon mara maiwasan ang mga ganitong pag-atake.