ISIS na nagkukuta sa Aleppo border, naitaboy na ng Syrian Army

Syria – Umatras na sa Al-Raqqa-Aleppo border, Syria ang Islamic State matapos mapasok ng pinagsanib na Syrian Army ang kanilang kahuli-hulihang teritoryo sa bansa.

Dito ay nabawi ng mga sundalo ang maraming lugar sa Al-Raqqa na halos apat na taon ding kinubkob ng ISIS.

Walang pinalampas na oras ang mga sundalo kahit Ramadan kaya’t humantong sa matinding bakbakan ang naturang operasyon.


Gayunman, hindi pa mabatid kung ilan ang nasawi sa magkabilang panig.
DZXL558

Facebook Comments