Manila, Philippines – Naniniwala ang isang mambabatas nanapopondohan ng mga OFW ang teroristang grupong ISIS.
Nabatid na iprinisinta ng Department of Justice ang dalawangnaaresto na hinihinalang miyembro ng ISIS na sina Husayn Al-Dhafiri, KuwaitiNational, at asawa nitong Syrian National na si Rahaf Zina.
Ayon kay ACTS-OFW party list representative John Bertiz – pamilyarsa kanya si Al-Dhafiri dahil isa ito sa mga opisyal ng kumpanyang Winston Q8 naminsan nang nagkaroon ng imbestigasyon sa Kamara.
Hinala ng mambabatas, konektado ang kumpanya sa nasabingteroristang grupo.
Sa tantya pa ni Bertiz – aabot sa 100 million pesos kada buwanang kita ng Winston Q8 mula sa libu-libong aplikanteng pinoy.
Ang Winston Q8 ang eksklusibong nagbibigay ng certification samga OFW na nais makapagtrabaho sa kuwait at si Al-Dhafiri ang operationsmanager nito.
ISIS, nakakatanggap umano ng pondo mula sa mga OFW ayon sa isang mambabatas
Facebook Comments