ISIS, nakapasok na umano sa Lanao Del Sur batay sa intelligence report

Lanao Del Sur, Philippines – Nakapasok na umano sa kabayanan ng Lanao Del Sur ang mga miyembro ng Maute terror group at ISIS.

Ayon kay Atty. Jimmy Pansar, Pangulo ng League of Municipalities ng Lanao Del Sur, lumabas sa intelligence report ng local government na nakarating na sa kanilang bayan ang mga miyembro ng teroristang grupo.

Sinabi din ni Vice Governor Mamintal Adiong Jr., na lumabas sa report na patuloy ang recruitment ng teroristang grupo at target na maisama ang mga kabataan sa kanilang mga pagsasanay.


Dahil dito, sumama na ang mga sundalo sa ginagawang relief operations ng provincial government.

Kinumpirma naman ni AFP Chief of Staff Eduardo Año, na kabilang ang apat na dayuhan sa tatlumput’ anim (36) na napatay ng mga sundalo laban sa pinagsanib na pwersa ng Abu Sayyaf at Maute Group sa bayan ng Piagapo.

Patuloy pang inaalam ng Armed Forces of the Philippines ang koneksyon ng napatay na tatlong Indonesian at isang Malaysian sa international terrorist group na ISIS at Jemaah Islamiyah.

Facebook Comments