Isko Moreno for President? ‘Masyadong maaga’ – NUP

Image via Facebook/Isko Moreno Domagoso

Nilinaw ng isang mambabatas mula sa partidong kinabibilangan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na maaga pa masyado para pag-usapan kung tatakbo ito bilang Pangulo ng bansa sa taong 2022.

Ayon kay Rep. Roberto Puno, Vice Chairman for Internal Affairs ng National Unity Party (NUP), hindi pa nila kinukonsidera si Moreno na pambato sa darating na presidential elections.

“Masyadong maaga. Of course, if he decides to change, then we will talk about it. But so far, what I’ve heard from discussions with Isko Moreno is that he seems to be focused on Manila,” pahayag ni Puno sa programang “Headstart”.


Aniya, mas mainam kung tatapusin ni Moreno ang kaniyang termino bilang alkalde sa lungsod ng Maynila para maisagawa ng maayos ang mga platapormang ipinangako.

Halos tatlong taon nang miyembro ng NUP si Moreno at sinuportahan ng nasabing partido ang kandidatura niya sa pagka-senador noong 2016.

“When he didn’t make it, immediately he became the deputy secretary general of the National Unity Party way back in 2016,” dagdag ni Puno.

Matatandaang sinabi ni Moreno na wala siyang planong tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Saad ng alkalde, balak niyang magturo sa kolehiyo kapag natapos na ang panunungkulan sa kabisera ng bansa.

Facebook Comments