Ginawang regular ni Mayor Isko Moreno ang tatlong traffic enforcer na tumanggi sa suhol, ayon sa kaniyang talumpati sa flag raising ceremony sa Manila nitong Lunes ng umaga.
Ani Isko, tinanggihan ng tatlong traffic enforcer ang suhol na aabot sa ilang daang piso kaya’t ginantipalahan niya ito ng regularisasyon sa kanilang trabaho.
Ipinakilala ang tatlong enforcer na sina Eduardo Lambino, Kenneth Naval, at Edwin Trias kasabay ang anim pang empleyado sa city hall.
LOOK: Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso presents three honest MTPB enforcers who refused to accept bribes from violating motorists.
(Photo by Christian Turingan/MPIO)#BagongMaynila #AlertoManileno #SimplyNoPlaceLikeManila pic.twitter.com/qJHUO0SLoW
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) July 29, 2019
Habang talumpati, sinabi rin ni Isko na naiintidihan niya ang paghihirap ng mga worker o empleyado sa siyudad at liit ng sahod nila.
Bukod sa regularisasyon, mabibigyan din ng reward ang tatlong traffic enforcer bilang mabuting ehemplo.
Samantala, mayroon ding enforcer na tumanggap ng ‘kotong’ na ipineresenta sa publiko. Hindi naman nakasuot ang kaniyang ID at nakilala ang uniporme.