Isko Moreno, muling bubuksan sa publiko ang ‘Books From Underground’

via RMN Files, Books from Underground

Muling pinabuksan ni Mayor Isko Moreno ang”Books From Underground”, bookstore sa Lagunsilad underpass, na ipinasara noong clearing operations sa Manila.

Ayon kay Isko, may nagpost na netizen na umano’y may tinanggal siyang matagal nang murang bilihan ng libro ng mga estudyante.

Ang netizen na nagbahagi ay si AJ Laberinto, kung saan sinabi niyang nalungkot siya nang malaman na ipinasara ang nasabing bookstore dahil ala-ala ito ng kaniyang college days.


Sumang-ayon ang mga netizen kay Laberinto at kaagad namang nag-viral ito.

Sinugurado naman ni Isko na babalik muli ang operasyon ng nasabing bookstore sakaling maging lehitimo na ang dokumento o business permit nito.

Sa Facebook post ng Books From Underground, ipinahayag nito na pansamantalang itinigil ang kanilang operasyon at naghahanap na sila relocation.

Ang nasabing underground walkpass ay nagkokonekta sa City Hall at Intramuros na matagal nang nilalagian ng mga illegal vendor.

Facebook Comments