Manila, Philippines – Nagbitiw na si Francisco Domagoso o Isko Moreno bilang miyembro ng Board of Directors ng North Luzon Railways Corporation o NLRC.
Sa kopya ng resignation letter, sinabi ni Domagoso na lubos niyang ikinararangal ang pagkakataon na ibinibay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte para makapagsilbi sa kasalukuyang administrasyon.
Marami aniyang natutunan at nakuhang karanasan sa pagtatrabaho sa isang Government-Owned And Controlled Corporation o GOCC.
Pero dahil sa personal na rason ay naghain si Moreno ng irrevocable resignation sa kanyang posisyon at epektibo sa lalong madaling panahon.
Si Isko Moreno na dating Bise Alkalde ng Maynila ay tumakbo sa senatorial race noong 2016 elections sa ilalim ng tiket ni Duterte.
Siya ay natalo pero makalipas ang isang taon ay nabigyan ito ng puwesto sa gobyerno.