Isko Moreno, nais ibalik ang Nutribun at Klim Milk sa mga pampublikong paaralan

via New Society on Facebook

Muling nabuhay ang panawagan ni Manila City mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso noong eleksyon tungkol sa nais niyang pagbabalik ng Nutribun at Klim Mlik sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Moreno, marami sa mga estudyante ngayon ang pumapasok na walang laman ang tiyan at sinabing naging ganito rin siya noon.

Sa kaniyang pahayag nitong nakaraang linggo, sinabi niya ring ayaw niyang pumapasok ang mga bata na walang laman ang sikmura kaya’t gusto niyang ipatupad ang programa.


Ang Nutribun ay mayroong pagkakawig ng itsura sa pandesal ngunit ito’y mas ‘masustansiya’, matigas at siksik sa laman.

Ayon sa mga pag-aaral, kayang punan ng Nutribun ang 1/3 na kailangang sustansiya ng isang karaniwang estudyante na may edad 6 hanggang 12.

Sa ilalim ng rehimeng Marcos noong dekada sitenta, ipinapamahagi ang Nutribun sa mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Ibinibigay ito sa mga estudyante ng libre noong una ngunit ibinenta rin sa halagang 50 hanggang 75 sentimo. Itinigil din ang programa noong 1997.

Facebook Comments