Hinangaan ng mga netizen si Gilbert Bautista, isang traffic enforcer na patuloy pa rin ang trabaho kahit maulan nitong Huwebes.
Sa Facebook post ni Manila Mayor Isko Moreno, pinasalamatan niya si Gilbert sa hindi matatawarang serbisyo nito na hindi alintana ang baha.
Sinagot naman ng “oo” ni Isko ang isang netizen na nagsabing dapat bigyan sila ng raincoat at bota dahil kalusugan ang dapat nilang ipriyoridad.
Sinabi rin ng mga netizen na dahil ito sa magandang serbisyo ni Isko kaya nagiging masipag lalo ang mga mangagawa ng lungsod ng Maynila.
“This rare Traffic Enforcer really Deserve an Utmost Praise and Acknowledgement,” ani Mentor Joerick.
Ayon kay Samy Abuan, “A leader who knows to appreciate his member who does his function diligently. Both acts are commended.”
“Ganiyan ang mga tauhan kumilos at tumugon kapag huwaran ang kanilang namumuno, congrats po Mayor Isko Moreno, you’re such a source of inspiration to other local gov’t. officials( your active and sincere actions create a domino effect), keep up the good work and keep up the good fight, keep safe and God bless!!!” pahayag naman ni Bersola.