Isko: Presyo ng pataba sa merkado, bantayan

Nanawagan si Aksyon Demokratiko Presidential Candidate at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa gobyerno na bantayan ang sobrang pagsipa ng presyo ng abono dahil labis nang naapektuhan ang mga magsasaka.

“Noong isang taon lang, nasa siyam na raang piso (₱900) hanggang isang libong piso (₱1,000) kada bag ng pataba. pero ngayon, mahigit dalawang libong piso (₱2,000) na ito. masyadong mabigat na ito para sa ating mga magsasaka,” ani Moreno.

Doble-dagok ito sa magsasaka, sabi ni Moreno, dahil sinasalanta rin ang mga nasa sektor ng agricultura ng pagbaha ng mga ipinuslit ng imported na sibuyas na lubhang nakakapekto sa mga lokal na nagtatanim ng naturang produkto.


Nauna na ring nagpahayag si Moreno na kung mananalong pangulo ay tututukan niya ang sektor ng agrikultura at titiyakin na hindi daragsain ng imported na produktong agrikultural, gaya ng sibuyas at bawang, na lalo pang nagpapanipis ng kita ng mga magbubukid.

Bahagi ng bilis kilos 10-point economic agenda ni Moreno ang pagtiyak sa seguridad sa pagkain at pagpapabuti sa kita ng mga magsasaka at mangingisda na siyang bumubuo ng trenta posyento ng populasyon ng Pilipinas. bagama’t sila ang nagdadala ng pagkain sa hapag, nasa sektor din itong ang pinakamahihirap sa bansa.

Facebook Comments