![](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2022/02/LINDOL-1.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Isla ng Balut sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental kaninang ala-4:12 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan at may lalim itong 34 kilometro.
Wala namang naitalang pagyanig sa ibang lugar.
Hindi rin inaasahan ang pinsala o aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.
Facebook Comments