Bubuksan na ang ilang tourist destination sa bansa matapos ang ilang buwang pagsasara dahil sa COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ipinaliwanag nito na ang pagbubukas ay upang maibangon ang industriya ng turismo na malubhang naapektuhan nang magpatupad ng total lockdown dahil sa pandemic.
Ayon kay Puyat, batay sa kanilang konsultasyon at pag-iinspeksyon, bubuksan na bukas, June 16, 2020 ang isla ng Boracay para sa mga bakasyunista.
Pero, paglilinaw ng kalihim, tatanggap lang ang Boracay ng mga local tourist na mula sa Western Visayas.
Bukas na rin sa mga turista ang El Nino sa Palawan, pero sarado pa ang Puerto Prinsesa.
Sa pagbubukas ng mga tourist spot sa bansa, tiniyak ni Puyat ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ilan naman sa mga nakahanay na lugar na nakatakdang buksan sa mga susunod na buwan ay ang Bohol sa Hulyo, Baguio City sa Setyembre, at Camiguin Island.