Isla ng Calayan sa Cagayan, COVID-19 Free na

Cauayan City, Isabela- Maituturing nang COVID-19 free ang isla ng Calayan matapos gumaling ang natitirang 16 na aktibong kaso.

Dati nang walang kaso ng COVID-19 ang naturang isla subalit bigla na lamang nakapagtala ng maraming nagpositibo noong buwan ng Hulyo hanggang nitong Setyembre.

Samantala, nakapagtala pa ng 34 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Cagayan na galing sa 11 bayan nito.


Sa kabuuan, pumapalo na ngayon sa 50,983 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng Covid-19 sa probinsya, habang 48,468 na dito ang gumaling, at 2,091 naman ang nasawi.

Facebook Comments