Tampok sa ginanap na forum on Islamic Heritage ng Bureau on Cultural Heritage-ARMM ang pamana ng Islam sa mamamayang Moro at ang impluwensya nito sa kanilang kultura.
Ang forum ay bahagi ng National Heritage Month celebration na may temang “Pambansang Pagkakaisa para sa Pamana”.
Sinabi ni BCH-ARMM executive director Engr. Marites K. Maguindra, nais nila na makatulong na masiguro na mapreserba ang heritage o pamana ng Islam para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
Nagsilbing guest speaker sa forum si Bangsamoro Grand Mufti Abuhuraira Abdurrahman Udasan, kung saan sinabi n’ya na ang pinakamahalagang Islamic heritage ay ang Qur’an na kaloob ng Allah at gabay ng lahat ng Muslim.
Ang nabanggit na aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya sa ARMM, sinuportahan din ito ng Regional Darul Ifta’ at ng Bureau of Madaris Education ng Department of Education.
Islamic Heritage, pinapahalagahan, pinipreserba sa ARMM!
Facebook Comments