Inako ng Islamic State o IS ang serye ng pambobomba sa Sri Lanka na ikinamatay ng 321 katao.
Ang pag-ako ng teroristang grupo ay inisyu sa pamamagitan ng Amaq News Agency matapos paghinalaan ng Sri Lanka ang dalawang domestic Islamist groups ang nasa likod ng pag-atake sa tatlong simbahan at apat na hotel.
Sa statement ng IS, mayroong pitong attackers ang nagkasa ng pag-atake pero wala na silang ibinigay na ebidensya para patunayan ang kanilang pag-ako sa pangyayari.
Ayon kay Sri Lankan President Maithripala Sirisena, papalitan niya ang mga pinuno ng defense forces dahil sa kabiguang gampanan ang tungkulin.
Sinabi naman ni Prime Minister Ranil Wickremensinghe – malapit na nilang matukoy ang mga nasa likod ng pagpapasabog.
Pinaniniwalaan naman ni Defense Junior Miniter Ruwan Wijewardene – paghihiganti ito ng mga kalaban kasunod ng mass murder sa Christchurch, New Zealand noong March 15 na ikinasawi ng 50 katao.