Muling lumipad ang air assets ng Philippine Coast Guard (PCG) patungo ng Mamburao, Occidental Mindoro kung saan lumubog ang FV Liberty 5 matapos mabangga ng MV Vienna Wood.
Ang PCG Islander 251 ay nagsagawa ng aerial surveillance sa vicinity waters ng Mamburao.
Ngayon araw kasi ang huling araw ng full search and retrieval operations sa 14 na mangingisda at pasahero ng FV Liberty 5.
Ayon sa PCG, simula bukas, aalis na rin ang malalaking barko at aerial assets na naka-deploy sa Mamburao bagama’t magpapatuloy pa rin ang monitoring ng search and retrieval team ng PCG sa lugar.
Kabilang na rito ang mga barko ng PCG at eroplano ng Philippine Air Force na nagsagawa ng search operation sa Mindoro Strait, Busunga, Hilagang parte ng Coron hanggang sa Verde Island sa Batangas.