ISMART RIDERS, SUMAILALIM SA RETOOLING SEMINAR

CAUAYAN CITY – Sumailalim sa retooling seminar ang mga rider ng Isabela Special Motorcycle Action and Response Team (iSMART) sa ilalaim ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pamamagitan ng Public Safety Office (PSO) at pakikipagtulungan ng Land Transportation Office Region 2.

Nilahukan ito ng 35 iSMART riders kung saan ay tinalakay ang land transportation, iba’t ibang batas trapiko, at operational etiquette.


Layunin nito na maipatupad ng epektibo ang mga batas trapiko at kaligtasan ng publiko sa mga kalsada sa buong probinsya ng Isabela.

Facebook Comments