Isnilon Hapilon at Omar Maute, namatay sa apat na oras na matinding bakbakan sa main battle area sa Marawi City

Marawi City – Namatay sa apat na oras na matinding bakbakan sina Isnilon hapilon at Omar Maute sa ika-147 araw ng giyera sa lungsod ng Marawi.

Ito ang kinumpirma ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año.

Aniya alas-2:00 ng madaling araw kanina ng magsimula ang matinding sagupaan sa main battle area na nagtapos ng alas-6:00 ng umaga kanina.


Layunin lang daw sana ng tropa ng militar sa pagpunta sa dalawang gusali sa lungsod kung saan nakitang patay ang dalawang lider ng ISIS-Maute ay upang i-rescue ang mga bihag pero nagkaroon ng matinding bakbakan.

Sinabi pa ni General Año na sa apat na oras na matinding bakbakan hindi lamang hapilon at Omar ang napatay may limang terorista ang nalagas sa mga kalaban.

Dagdag pa ni Año na ang apat na oras na matinding bakbakan maikokonsidera nilang final stand ng AFP.

Nilinaw nama ni General Año na kapwa ng sundalong Pinoy ang kasama sa matinding sagupaan kanina at walang partisipasyon ang Estados Unidos.

Sa ngayon, ayon kay Defense Secretary Lorenzana, tinutugis na lamang ng militar sa main battle area ang Malaysian Terrorist na si Mahmud Ahmad na ngayon ay nanatili lamang sa isang gusali sa lungsod.

Facebook Comments