Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na sakaling wala na nga sa Marawi City si Isnilon Hapilon ay nangangahulugan lamang nito ay pinabayaan na niya ang kanyang mga kasama sa lungsod sa hrap narin ng nalalapit na pagtatapos ng bakbakan sa lungsod.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng balitang lumbas na namataan sa Basilan si Hapilon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi parin naman nabeberipika ang lumabas na balita at patuloy pa itong kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines.
Pero batay aniya sa pinakahuling balita na nakarating sa kanila mula sa intelligence community ay nasa Marawi City parin si Hapilon.
Samantala tahimik din naman ang Malacanang kaugnay sa ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong namumuong kaguluhan sa Buldon Maguindanao.
Nagpatawag naman si Pangulong Duterte ng Cabinet meeting na inaasahang sisimulan mamayang 3:00 ng hapon pero hindi parin naman naglalabas ang Malacañang ng agenda o mga paguusapan sa nasabing Pulong.
Isnilon Hapilon, nilaglag na nga ba ang mga tauhan sa Marawi City?
Facebook Comments