Isnilon Hapilon, posibleng nagtatago sa lugar kung saan nasawi ang 13 marine soldiers sa Marawi

Manila, Philippines – Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kasamang nagtatago ngayon ng emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon ang ilang dayuhang terorista sa lugar kung saan 13 miyembro ng Philippine Marines ang nasawi sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla — posibleng ito ang dahilan kung bakit matinding puwersa ng mga terorista ang nakasagupa ng mga sundalo sa barangay lilod madaya noong Biyernes.

Hinala ng AFP, matagal nang nasa mindanao ang mga foreign terrorist at pumasok ng Marawi sa kasagsagan ng bakbakan.


Bukod kay Hapilon, malaki rin aniya ang posibilidad na nasa lilod madaya ang maraming sibilyan na bihag ng Maute group.

Samantala, ayon kay Padilla — na hindi na gaanong magsasagawa ng air strike ang militar dahil malapitan na ang labanan sa mga lugar na pinagpupugaran ng mga terorista.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may mahigit 200 mga Maute fighters pa ang nilalabanan ng mga sundalo sa siyudad.
DZXL558

Facebook Comments