ISOLATED CASES | Mga insidente ng pagpatay sa ilang pari hindi dapat ikaalarma ayon sa PNP

Manila, Philippines – Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na isolated cases ang mga nangyayaring pagpatay sa mga pari sa kabila ito na tatlong pari ang sunod-sunod na pinatay nitong mga nakalipas na buwan.

Ayon kay PNP Chief Police Director Oscar Albayalde hindi dapat maalarma ang publiko sa pagpatay sa ilang pari dahil hindi naman araw-araw ay may pinapatay na alagad ng simbahan.

Pero tiniyak ni Albaylde na tinututukan nila ang kaso ng mga napatay na pari.


Katunayan aniya bumuo na ang PNP ng special investigation task group na syang tututok sa kaso ng pagpatay kay father Richmond Nilo ng diocese ng Cabanutan na pinatay bago magmisa kagabi sa bayan ng Zaragosa Nueva Ecija.

Ngunit nanatiling blangko pa ang PNP Region 3 sa may kagagawan at motibo sa krimen.

Kasabay nito, pinayuhan ni Albayalde ang mga alagad ng simbahan at ng kahit anong religious group na magsumbong sa kanila sakaling makatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Habang inutusan na rin ni Albayalde ang mga Chief of Police na makipag-ugnayan sa mga pari para malaman ang mga may banta sa buhay.

December 5, 2017 pinatay si Father Marcelito Paez noong December 5 2017 sa Jaen Nueva Ecija habang pangalawa ay si father Mark Ventura sa Gattaran Cagayan noong April 29,2018.

Facebook Comments