Isolated rainshowers, mararanasan sa iba’t iabng bahagi ng bansa

Manila, Philippines – Makararanas ng isolated rainshowers sa iba’t ibang bahagi ng bansa bunsod ng umiiral na high pressure area ridge sa Luzon at easterlies naman sa Visayas at Mindanao.

May binabatanyan ding Low Pressure Area ang PAGASA sa silangan ng Mindanao na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Martes.

Samantala, nagbabala ng mas mainit na panahon sa malaking bahagi ng bansa ang pagasa pagsapit ng buwan ng Mayo.


Ayon sa PAGASA, posibleng pumalo pa sa 40 degrees celsius ang maranasan sa mga susunod na araw.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila: 25 to 34 degree celsius.

Sunrise: 5:38
Sunset: 6:11
Nation

Facebook Comments