Isolated thunderstorm, aasahan sa Metro Manila dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone

Weather – Patuloy pa ring makakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa.

Dahil dito, asahan na ang isolated thunderstorm sa Metro Manila pagsapit ng tanghali hanggang gabi.

Iiral rin ang mahina hanggang sa katam-tamang pag-ulan sa CALABARZON, Central Luzon, Bicol Region, Ilocos Region, Baguio at MIMAROPA.


Makakaranas rin ng maulap na panahon ang malaking bahagi ng Visayas at hilagang Mindanao kasama na ang CARAGA region at Zamboanga Peninsula.

Samantala, palalakasin ng Low Pressure Area sa West Philippine Sea ang habagat.

Gayunman, wala itong direktang epekto sa bansa.

Agwat ng temperature: 25 to 32 degree Celsius.

Sunrise: 5:34 AM
Sunset: 6:29 PM

Facebook Comments