Isolation at quarantine facilities, kailangang dagdagan sa harap ng surge ng COVID-19 cases – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangang itaas ang isolation centers at temporary treatment at monitoring facilities para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, sa isolation centers ilalagay ang mga asymptomatic at mild cases.

Ito aniya ang magiging unang linya ng depensa para hindi agad mapuno ang mga ospital.


Aniya, sakop ng malaking porsyento ng kabuoang kaso ang mild at asymptomatic cases na nasa 97-percent.

Tumataas na rin ang utilization rate sa mga ospital lalo na sa COVID-19 beds at isolation kaya itinuturing na itong na sa “moderate” risk category.

Dagdag pa ni Vega, ang pagtatayo ng modular hospitals ay makakatulong din sa Metro Manila.

Facebook Comments