Mas humusay ang daily testing capacity ng bansa mula nang magkaroon ng outbreak ng COVID-19 noong Marso ng nakaraang taon.
Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, mula sa isang laboratoryong may kakayahang magproseso ng specimens noong March 2020, ngayon ay umakyat na ito sa 229.
Ang mga laboratoryo ay itinatag ng national government, local government units, at pribadong sektor.
Tumaas din ang nagagawang COVID-19 test kada araw ng bansa, mula sa 1,000 test kada araw noong nakaraang taon ay nasa 51,000 test na ito ngayong taon.
Mas maraming isolation facilities din ang naitayo para i-accommodate ang nasa 80,000 active cases ngayon.
Plano ng pamahalaan na buksan ang pinakamalaking quarantine facility sa Subic sa katapusan ng Marso.
Facebook Comments