Nangako ang Metro Manila mayors at ang Philippine Red Cross (PRC) na magtatayo sila ng isolation centers sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon kay PRC Chairperson Senator Richard Gordon, makikipag-partner sila sa Metro Manila Council (MMC) para sa pagtatayo ng isolation facilities sa ilalim ng mga hurisdiksyon ng iba’t ibang local government units (LGUs).
Ipinapanukala ng PRC ang mga sumusunod: pagbibigay ng ambulansya para ibiyahe ang mga pasyente; paglalatag ng isolation beds; pagbibigay ng supplementary hot meals; pagtatayo ng shower rooms; at daily monitoring sa status ng mga pasyente.
Ang mga LGUs naman ay titiyaking mayroong coordination sa operasyon ng mga pasilidad; maglatag ng seguridad para sa mga pasilidad; pagbigay ng masustansyang pagkain; pagbibigay ng kahit isang local counterpart para manduhan ang pasilidad; daily monitoring sa household contacts; magkaroon ng coordination sa mga local government hospital para sa mabilis na confinement ng mga pasyente.
Sinabi ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na nagpapasalamat ang Metro Manila mayors sa PRC sa patuloy na pagtulong nito ngayong pandemya.