Isolation facilites sa Lapu-Lapu City, halos puno na

Halos puno na ng mga indibidwal na asymptomatic cases ng COVID-19 ang isolation facilities sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ayon kay Mayor Junard Ahong Chan, nirebisa na ng crisis management team ang strategy nito kung saan pinapayagan na ang mga asymptomatic na sumailalim sa home quarantine.

Nagtatag na rin ang lokal na pamahalaan ng bagong medical facility malapit sa Hoops Dome.


Sa huling datos, aabot na sa 329 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments