Isolation rooms, ire-require ng DTI sa mga negosyo

Magpapatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bago at mahigpit na health protocols sa mga negosyo o industriyang pinapayagang mag-operate sa gitna ng community quarantine bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, isa sa mga bagong hakbang na ipapatupad ay ang pagre-require sa mga business establishments na magkaroon ng sariling isolation rooms.

Maaari ding magkaroon ng arrangements ang mga negosyo sa mga katabing establisyimento para sa kanilang isolation facilities sakaling may magpositibo sa COVID-19.


Para sa Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs), sinabi ni Lopez na maaari silang makipagcoordinate sa mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

Nakapaloob sa bagong health protocol ang pagtatalaga ng health officers sa mga opisina at kanilang training para sa safety measures.

Facebook Comments