ISPESYAL NA ARAW | Pangulong Duterte, pahinga lamang sa bahay sa kanyang kaarawan

Manila, Philippines – Tulad ng nakasanayan ay magkukulong lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tahanan sa kanyang ika-73 kaarawan sa susunod na linggo, March 28.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tulad ng dating ginagawa ng Pangulo ay sa bahay sa Davao City lang talaga ito namamalagi tuwing nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sinabi ni Roque na kasama ng Pangulo sa araw na iyon ay ang kanyang mga anak at mga apo.


Pero pagkatapos aniya ng Semana Santa ay sasakbak agad si Pangulong Duterte at kabilang dito ang ilang biyahe sa labas ng bansa.

Mamaya ay may aktibidad ang Presidente sa Davao kung saan ay dadaluhan nito ang 16th Founding Anniversary ng Supreme Tribal Council for Peace and Development.

Facebook Comments