Nais pang palakasin ng Pilipinas at Israel ang Environmental Protection kung saan magbibigay ito ng oportunidad para ibahagi ang best practices nito sa pagtugon sa mga problemang may kinalaman sa kalikasan, tulad na lamang ng pagpreserba sa ecosystem, disaster risk management, at pagkakaroon ng environmental technologies.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, ang Israel ay isa sa mga mahahalagang katuwang ng Pilipinas sa gitnang silangan, kung saan mayroong malalim na kooperasyon ang dalawang bansa sa larangan ng defense and security, agriculture, labor, at people-to-people exchange.
Dagdag pa ni Manalo na nais nito na mapalawak ang oportunidad ng Pilipinas pagdating sa agham at teknolohiya, trade at investment, counterterrorism, enerhiya, at marami pang iba.
Samantala, para naman kay Israel Foreign Minister Eli Cohen, nais nito na mapalawak pa ang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas sa larangan ng agrikultura, water management, at cybersecurity maging ang pagkakaroon ng direct flight sa pagitan ng Pilipinas at Israel na makakapag-ambag sa larangan ng turismo at pagnenegosyo.