Israel, bukas na rin sa pagsasanay sa mga Pilipinong magsasaka

Nagbukas na rin ng oportunidad ang Israel sa mga Pilipinong nais magsanay sa kanilang bansa sa pagsasaka.

Kaugnay nito, nag-usap na ang Philippine Embassy sa Israel at ang Commission on Higher Education (CHED) para sa training ng mga Filipino agriculture students sa Israel.

Partikular silang sasanayin sa modernong pamamaraan ng pagsasaka.


Pina-plantsa na rin ang alok na internship programs para sa Filipino ICT students sa Israel Tech Firms.

Una na ring sumailalim sa training sa modernong pagsasaka sa Taiwan ang ilang mga kabataang Pilipino.

Facebook Comments