Israel, nakapagtala ng unang kaso ng pagkamatay na positibo sa Omicron variant; pagtuturok ng fourth dose sa mga residente nito, sisimulan na!

Kinumpirma ng isang ospital sa Israel na nakapagtala ito ng unang kaso ng COVID-19 related death na positibo sa Omicron variant.

Ayon sa pamunuan ng Soroka Medical Center, ang nasawing pasyente ay isang fully-vaccinated na lalaki at edad 60 kung saan nasawi ito dalawang linggo matapos i-admit sa CVOID-19 ward.

Ngunit sa inilabas na pahayag ng ospital, itinuturong dahilan ng pagkamatay nito ang kaniyang pre-existing sickness at hindi ang inpeksyon dulot ng COVID-19.


Samantala, magsisimula na ang bansang Israel na turukan ang mga health worker, persons with comorbidities at senior citizens nito ng ika-apat na dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa rekomendasyon ng kanilang vaccine expert panel, maaari na nilang tanggapin ito apat na buwan matapos maturukan ng third dose.

Dahil dito, hinikayat ni Israeli Prime Minister Naftali Benett ang mga residente nito na magpaturok na ng fourth dose ng COVID-19 vaccine sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments