Nananatili ang Alert Level 2 status sa Israel dahil na rin sa kasalukuyang sitwasyon sa naturang bansa.
Dahil dito, hindi rin muna papayagan ang ano mang deployment ng mga Overseas Filipino Workers sa Israel.
Patuloy rin ang paghimok ng Philippine Embassy sa Tel Aviv na ipagpaliban muna ng ating mga kababayan ang lahat ng non-essential travel mula sa Pilipinas patungo roon.
Kapag mahalaga naman ang pagbiyahe sa Israel, kailangan lamang ng mga Pinoy na sumunod sa lahat ng alituntunin bago pumasok sa naturang bansa.
Inabisuhan naman ang lahat ng mga Pinoy sa rehiyon na maging alerto at maging updated sa mga security pronouncement ng kanilang gobyerno.
Para naman sa contingency planning purposes ang lahat ng mga Pilipino ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa kanilang mga overseas community leader at mga embahada maging konsulada ng Pilipinas na malapit sa kanila.