Israel, nangangailangan ng Pinoy hotel workers

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na plantsado na ang pagkuha ng Israel ng mga Pilipinong hotel worker.

Kasabay ito ng pagbubukas ng turismo ng Israel gayundin ang pagluluwag ng kanilang health protocols kung saan papayagan nang pumasok sa nasabing bansa ang mga bisitang bakunado at hindi bakunado.

Kasabay nito, full workforce ang paiiralin ng hotel sector ng nasabing bansa kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga turista sa Holy Land.


Ngayong darating na Abril ay agad na sisimulan ang deployment ng Pinoy hotel workers sa Israel.

Una nang nakipagpulong kay Philippine Ambassador to Israel Macairog Alberto ang mga opisyal ng Israel Hotel Association (IHA) para sa pagkuha nila ng daan-daang Pilipinong hotel workers.

Facebook Comments