Israel, tiniyak ang tulong sa Pilipinas para sa 2022 election

Nagpahayag ng interes ang Pilipinas na hingin ang tulong ng Israel para sa gagawing 2022 eleksyon sa gitna ng nararanasang Coronavirus pandemic.

Ito ay matapos ang naging matagumpay na eleksyon na isinagawa sa Israel.

Ayon kay Israel Acting Ambassador to Manila Nir Balzam, nakahanda silang ibahagi sa national government ang kanilang mga malalaman para sa ligtas na eleksyon.


Gayunman, may mga paraan aniya na dapat unang pagtuunan ng Pilipinas kabilang ang vaccination status ng bansa at ang mga karapat-dapat na botante.

Nabatid na malaking hamon sa bansa ang pagsasagawa ng eleksyon kung saan hindi dapat ito maging superspreader event at matiyak na naipapatupad ang safety protocols.

Facebook Comments