Sumang-ayon ang Israel at United Arab Emirates (UAE) na bakunahan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na ipapadala sa kanilang bansa.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, inaprubahan nila ang deployment ng higit 400 caregivers na sumalang na sa interview.
May mga household service workers ang ipapadala sa UAE.
Sinabi ni Olalia, ang deployment ng healthcare workers sa United Kingdom (UK) ay nagpapatuloy, pero magdedesisyon pa lamang ang pamahalaan kung i-e-exempt ang bansa mula sa 5,000 cap.
Sa datos ng POEA, aabot sa 3,000 healthcare workers ang naipadala sa ibang bansa kasunod ng pagpapatupad ng 5,000 cap ngayong COVID-19 pandemic.
Una nang nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi nila ikinakalakal ang mga nurse sa UK at Germany kapalit ng bakuna.