ISRAELI AIRSTRIKE | Russia, magpapadala ng anti-aircraft defense system sa Syria

Magpapadala ang Russia ng mga bagong anti-aircraft missiles sa Syria.

Nabatid na aksidenteng pinabagsak ng Syrian forces ang isang Russian aircraft sa kasagsagan ng Israeli airstrike.

Sa loob ng dalawang linggo, inaasahang darating ang S-300 missile defense system.


Babala naman ni U.S. National Security Adviser John Bolton – ang desisyon ay magpapalala lang ng tensyon sa nangyayaring civil war sa Syria.

Ang Russia ay mayroong airbase sa Syria na nagsasagawa ng airstrikes bilang suporta sa pwersa ni Syrian President Bashar Al-Assad.

Facebook Comments