Israeli emergency volunteers, nagtungo sa Philippine Embassy para sa humanitarian efforts

Personal na nagtungo sa Philippine Embassy sa TEL AVIV ang Israeli emergency volunteers sa harap ng nagpapatuloy na armed conflict sa pagitan ng Israel at Hamas.

Partikular ang Israeli non-governmental organization na ZAKA na binubuo ng paramedics at search-and-rescue professionals.

Sa kanilang pagharap kay Philippine Ambassador Pedro Laylo Jr. tiniyak nito na pinalakas nila ang kanilang humanitarian efforts.


Tiniyak din ng naturang emergency volunteers na handa silang tumulong sa kahit ano mang nationalities at relihiyon.

Ang naturang grupo ay kabilang sa nag-recover sa labi ng mga Pilipinong namatay sa pag-atake ng Hamas sa Israel noong nakalipas na taon.

Facebook Comments