Arestado ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ang isang Israeli national na nagtangkang lumabas ng Pilipinas gamit ang pekeng Philippine passport.
Ang 28 years old na Israeli national ay nagtangkang sumakay ng Cebu Pacific flight patungong Denpasar, Indonesia.
Inamin ng dayuhan na nagbayad siya ng P10,000 kapalit ng pekeng Philippine passport.
Nagbabala naman ang BI sa mga dayuhan na huwag tatangkaing gumamit ng pekeng Philippine passport dahil bihasa anila ang immigration agents sa pagkilatis ng pasaporte.
Facebook Comments